Sunday, August 9, 2009

Story Number Two: The Vandal Story

The Vandal Story
By: Karl Marx S. Torrejos

May isang parke ako'ng lagi'ng pinupuntahan.
Kakaunti'ng tao lamang ang namamasyal dito,
kaya maganda ang lugar at tama'ng-tama para sa aking pag-aaral.
Malawak din ito kaya ligtas sa ano man'g klase nang ingay.
Pakiramdam ko'y nasa iba'ng dimensyon ako sa tuwing naglalagi ako sa lugar na ito.

Pampubliko nga pala ang lugar na ito ngunit kailangan mo'ng
mag-bayad nang limang-piso para lang maka-ihi sa banyo dito.
Pero okay na rin ang ganito, at least ay napananatili'ng malinis ang palikuran.
Pwera lang ang pader na hindi naka-ligtas sa mga vandal.

Sa tuwing gumagamit ako nang banyo dito'y palagi ko'ng napapansin
ang napaka-laking pader na nasa pagitan nang dalawa'ng pintuan.

Sa laki'y, impossible'ng hindi mo makita ang napaka-rami'ng naka-tatak dito.
Katulad na lang nang paghingi at pag-bibigay nang mga celphone number's,
email addresses, pirma, mga pangalan, kakaiba'ng mga drawing's at pang-aasar.
Nakaka-hinayang na ganito na lamang pinuno nang mga tao ang dapat
sana ay malinis at maganda'ng pader.

Nang minsan'g muli ako'ng mapadaan sa lugar na iyon ay bigla na lamang hinila
nang isang sulat sa pader ang aking atensyon.

Naka-sulat dito ang mga kataga'ng, "Kamusta ka na?".

Tinitigan ko ito'ng mabuti at napaisip.

Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa utak ko nang silipin
ko ang tao'ng nag-babantay nang lugar.
Nang makita ko sa dulo'ng bahagi nang lugar na wala roon ang taga-bantay,
ay bigla ko na lamang kinuha ang black pentel pen sa aking pouch bag.
Tila kusa'ng kumilos ang aking kanan'g kamay, at kusa ito'ng gumalaw upang
mag-sulat.

"Ok naman. Ikaw?"

Sagot ko sa baba nang tanong na naka-sulat.
Matapos no'n ay agad ko nang inilagay ang pentel pen sa aking
bag,
sumilip kung may tao na sa paligid at saka na ako pumasok sa banyo.

Halos araw-araw ako'ng nag-pupunta sa parke'ng ito.
At hindi ko naman inaasahan at sobra ko'ng ikinagulat
nang mayroon'g sumagot sa aking isinulat.

"Eto okay naman ako. ------"

Hindi ko alam ang gagawin.
Kinilabutan ako dito.

Kilala nya ako.
Isinulat nya nang malinaw ang aking buong pangalan.
Pero hindi yun naging dahilan upang hindi ako sumagot.
Tila ba lalo ako'ng naintriga sa mga nangyayari upang sagutin ito.

"Okay din ako. Sino ka ba'? Bakit mo ako kilala?"

Binalikan ko ito kinabukasan.
Gaya nga nang inaasahan ay may sagot na kaagad ito.


"Ikaw naman, para'ng nakalimutan mo na ako...ako to' si --------, boyfriend mo."

Kinilabutan ako sa isinulat nito.
At napaka-dami'ng bagay ang mabilis na pumapasok sa aking isipan.

Oo' alam ko'ng sya ang huli ko'ng kasintahan.
Pero isang taon na ang naka-lipas nang
hindi na namin sya matagpuan.
Kaya inisip na lamang nang pamilya nya na malaki
ang posibilidad na patay na sya.
Wala'ng tao sa paligid nang mga oras na iyon.
At ang malakas at malamig na hangin ay nakadag-dag pa sa takot
na aking nararamdaman.

Bagamat pinangunahan ako nang kaba, ay nag-sulat pa din ako dito.

Tila ba nagagaya na ako sa di' magandanda'ng bagay na ginagawa nang iba.
Kung mag-papatuloy pa ako ay tila isa na din ako sa mga taong pupuno sa
malaking pader na ito na nag-lalaman nang mga walang kakwenta-kwenta'ng bagay.

"Sino ka ba talaga?Hindi maganda'ng biro ang ginagawa mo, itigil mo na to..."

Isinulat ko minsan.Matagal ko din'g hindi tiningnan ang pader
na yun at nagmasid-masid din ako kung sino angpossible'ng may kagagawan nito.
Hindi din ako naka-tiis. Sinilip ko ulit ang pader.

"Ako nga ito, si -----.
May gusto lama'ng sana ako'ng sabihin sa'yo."

Naka-sulat dito.Naaasar na ako.
Dahil sa patuloy pa din naman ang pag-tugon ko
dito ay inaasahan ko'ng hindi ito titigil.

"Ano ba yun?"

Nag-tagal din ako sa lugar upang kung sakali ay masilayan ko ang taong gumagawa nito.
Ngunit wala din naman ako'ng nakita.
Nang isulat ko ito ay sobra ang kaba'ng aking nararamdaman at kung ano ang makikita ko sa susunod.Hindi ko mapigilang mag-alala sa susunod na mangyayari.
Bahala na.
ang dib-dib ko nang tangkain ko ito'ng tingnan kinabukasan.
At malayo pa lamang ay tanaw ko na na mayroon'g mga nadagdag dito.
Agad ko na ito'ng nilapitan at binasa.
"Pasensya ka na ha'...hindi na ako nakapag-paalam sa'yo...

Nung gabi kasi nang anniversary natin ay napatay ako...
Alam ko na sobra kita'ng pinag-hintay noon.
Dala ko ang sing-sing na sana'y ibibigay ko sa'yo para sa
4th anniversary natinat para narin mag-propose na ako sa'iyo.
Kaya nga lang, hindi na ako naka-abot.
Pasensya ka na ha, pinag-alala kita.Kahit man lang ang maka-pagpaalam sa'yo ay hindi ko na nagawa.Basta alam ko'ng alam mo na mahal kita.
Wala'ng magbabago doon, habang-buhay."

Kinuha ko ang panyo ko'ng basa nang luha.
At saka pinunasan ang pader sa aking harapan.

"Tara C.R. tayo..."


"Sige...ay'putik...huwag muna.."

"O' bakit?"

"Ayun o', kita mo yun?"

"Asan? yung babae?.."

"Oo',hintayin muna natin'g makaalis yun...
mamaya yakapin na naman ako nun'..."

"Huh? yun ba yun'g kinukwento nila?"

"Oo, yun'g babae dito sa parke na mahilig mangyakap
tapos bigla ka nala'ng iiyakan..."

"Baka naman isa yun sa dahilan kung bakit sya nabaliw..."

"Siguro...tara ikot muna tayo dito..."

"Okay,... maganda pa naman sya..."

"Papayakap ka? Haha..."

"Sira!"








~End.

2 comments: