Sunday, August 2, 2009

First Short Story: Density's Destiny

Density's Destiny
by: Karl Marx Torrejos

Noong isang hapon nang pauwi na ako sa bahay mula sa trabaho.

Naka-salubo'ng ako nang isang kakaiba'ng nilalang.
Kakaiba?.
Oo'!.
Hindi tao?
Tao'ng kakaiba.
Bakit?

Noong makita ko sya mula pa lamang sa malayo, pakiramdam
ko'y tumigil ang pag-ikot nang aking mundo.
Nawala ang dami nang tao'ng nag-lalakad kung saan-saan.
Tila ba kami lang dalawa ang natira sa buong paligid.
Agad ko'ng napansin ang kanyang mga mata.
Hindi ko alam kung ano'ng meron dito, ngunit nang makita ko
ito ay halos mapatalon ako.
Sa tuwa? hindi pa rin ako sigurado.
Nag-niningning ito na para'ng salamin.
At bagamat' hindi ako sanay sa titigan, feeling ko'y
mananalo ako sa pagkakataong ito.
Ni' ayaw umalis nang mata ko sa kanya at wari ko'y naka-dikit
na ito dito, na gusto ko din naman'g mangyari.
Bigla ako'ng kinilabutan.
At kung may mga bulate ako sa tiyan,
alam ko'ng sila yun'g mga nagtatalunan.
Alam ko din'g sa mga oras na yun ay abot hanggang tenga ang ngiti ko.
Pakiramdam ko nga na mapupunit na ang mga labi ko nang sobra...
mabuti na lang at hindi ito halata.
Nang tuluyan na kami'ng mag-kasalubong ay nanginig
ang buong katawan ko.

Para akong tumawid sa lubid nang "Limbo Rock!"
nang mapalapit ako sa kanya.
Nang lumagpas sya sa akin, ay hindi na ako
nag-dalawa'ng isip na lingunin sya.
At hindi ko naman inaasahan na lilingunin nya rin ako,
na naka-dagdag pa sa saya na aking nadarama.
Tumigil sya sa pag-lakad.
At tila nag-hintay sa tabi nang malapit na pader.
Tumigil din ako at pumuwesto sa likuran nya.

Nasabi ko na lang sa sarili ko na...
"Tila' sya na ang naka-tadhana para sa akin...
alam ko'ng huli na para sa edad ko...
at alam ko'ng sa buong buhay ko ay hindi pa ako nag-karoon
nang kasintahan,
ngunit tama nga sila...
ang lahat nang bagay na gusto natin ay darating lamang
satama'ng oras at sa tamang panahon...

At hindi ko kailangan'g palagpasin ang pagkakatao'ng
ito na mapalapit sa
naka-tadhana para sa akin...
Naka-tingin pa rin sya sa akin.
Kaya hindi na rin ako
nag-dalawa'ng isip na lapitan sya.
Kakapalan ko nang mukha ko O' mamaya ay mag-sisisi ako
at kinakailangan ko'ng kontakin si Inspector Mills.
Ayoko'ng mangyari yon.

Inayos ko nang sandali ang aking sarili.
Pinunasan ko'ng aking mukha gamit ang basa ko'ng "Good Morning Towel".
Nang akin sya'ng malapitan ay binati ko agad ito.
"Alam mo...pamilyar ka sa akin?..."
Dama ko'ng nangangatog pa ang aking boses.
Hindi ako sana'y sa ganito.
Masaya pala.
"Punta tayo doon..."
At nag-salita nga siya.

Lalo'ng tumindi ang aking nararamdaman at hindi gaya kanina,
alam ko ngayon'g masaya ako.
At tingin ko'ng halata na ito sa akin.
"Doon tayo..."
Sambit nito.
Sa pangalawa'ng pag-kakataon ay narinig ko na naman
ang mala-anghel nya'ng tinig.
Hay, para'ng gusto ko'ng lumutang.
Bigla sya'ng nag-lakad.
At tila sunud-sunuran ako'ng alipin na sumunod sa kanya.
Pumunta kami sa isang madilim na parte nang lugar.
Hapon pa lamang ngunit ginawa nang
lugar na maging gabi ang paligid.
Nawa'y palagi'ng ganito. Kasama ko lang sya ay masaya na ako.

Nang sapitin namin ang lugar, ay napansin ko'ng wala nang masyado'ng
tao sa aming paligid. Madilim ang lugar.
Pero, kita ko pa rin ang maningning nya'ng mga mata.
Ngumiti ako sa kanya.
Nagulat na lamang ako nang bigla nya ako'ng yakapin.
Hindi ko yun' inaasahan.
At hindi ko din alam ang gagawin at sasabihin.
Oo', kinikilig ako.
Dahil sa tanan nang buhay ko ay ngayon lang ako nayakap nang ganito.
Hanggang sa mag-salita sya'ng muli.

"Huwag kang gagalaw at huwag ka'ng maingay...
May kutsilyo ka sa likod...
Hold-up to'..."

1 comment:

  1. karl? sinong tops ang nagcompose nito/ tama bang mainlove sa holdapper? hahahaha nice monkeys

    ReplyDelete